Talagang mahirap dito sa ibang bansa lalong-lalo na pag may mga iniisip tayong mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Akala kasi ng mga kapamilya natin diyan na sobrang ganda dito ng buhay namin bilang isang OFW. May mga pagkakataon talaga na iiyak ka na lang dahil maaalala mo ang iyong asawa at pamilya. Akala ng mga kapamilya natin diyan sa Pilipinas na pinupulot lang namin ang bawat salapi na ipinadadala namin buwan-buwan sa inyo. Mahirap at talagang sakripisyo. Walang araw na maiisip mo talaga ang mga MAHAL mo sa buhay diyan Pilipinas. Akala nila na pagnagkakasakit kami dito, may mahahagilap agad kami na mga katrabaho at kasamahan para magpasama sa klinika. Akala nila na kapag sumasakit ang likod mo sa gabi, may magbibigay kaagad ng masahe o hilot sa bawat parte ng aming katawan. Akala nila tuwing may mahahalagang okasyon katulad ng PASKO, Bagong taon, Pista, birthday natin o birthday ng mga kakilala natin dito ay nagsasaya tayo pero hindi nila alam na dun sa mahahalagang araw na iyon, nasa isang tabi o kuwarto lang tayo para isipin kung gaano kasaya sa Pilipinas sa mga oras na iyon. Malaking sakripisyo talaga ang ginagawa namin dito para lang mabigyan natin ang pamilya ng magandang hinaharap. Kaya sana iyon din ang maunawaan ng mga kapamilya natin diyan sa Pilipinas. -----(see full post on LOVE & MARRIAGE: Eyes Here....)
Thu Sep 17 2009, 01:24 by ken_saudiboy