Praying For 10 Pesos
Sa loob ng simbahan ng Quiapo, isang batang pulubi ang mataimtim na nananalangin sa Diyos.
Pulubi: "Panginoon kung maaari bigyan niyo ako ng sampung piso dahil gutom na gutom na lang po ako."
Narinig siya ng isang pulis na kasalukuyan ding nagsisimba at bumilib
sya sa katatagan ng bata sa pananampalataya sa Diyos. Sa kanyang habag
ay dumukot sya ng limang piso at iniabot sa bata na ang sabi : "Amang,
narinig ng Diyos ang panalangin mo at heto tanggapin mo ang perang ito
at ibili ng pagkain."
Tumingala ang bata sa pulis, kinuha nya ang limang pisong iniabot
at muling yumuko para manalangin: "Panginoon, salamat po sa pandinig
ninyo sa aking panalangin, pero sana naman po sa uli -uli wag na
ninyong paraanin pa sa pulis, kasi malaki na ang bawas."