| | ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT | |
|
+3Jhoanna RINGO STARR metalheadph 7 posters | |
Author | Message |
---|
metalheadph
Gender : Date Joined : 2008-09-25 Reputation : 11
| Subject: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Mon Nov 17 2008, 14:22 | |
| Bale, 1986 nung una kong nakilala si Batman. Wala pang ABS-CBN nun. Sa BBC2 pa nun eh, panahon ni Marcos na malapit nang mamatay. Wala rin si Kris Aquino, wala pa si Boy Abunda. Sikat pa si German Moreno nun eh. Sabi ko, "Shit! Ang galing nito ah." Natulala ako nang una kong napanood si Batman. "Shit! Ang galing nito." sabi ko sa sarili ko. "Ang galing galing galing galing ng itsura ni Batman. Parang kinatam ang mukha. Ang galing ng costume. Umuumbok ang dibdib pero hindi pa rin bakat ang utong. At, ang galing ng gadgets niya, ang gara ng kotse, ang ganda ng bahay, ang galing-galing mag-Ingles, ang galing mangarate. Actually, pulbos nga lahat ng kalaban niya eh. Palagi ko siyang pinapanood nang tuwing hapon. Palagi akong nakikipag-away sa katulong namin dahil gusto niyang manood ng Lotlot and Friends at saka That’s Entertainment. Pero ako, isa lang talaga ang gusto kong panoorin – siya ring na idol na idol na idol na idol ko talaga (Idooool!).
Bale, idol na idol na idol na idol na idol ko talaga si Batman. Di bale na si Robin. Ayoko si Robin kasi parang bading. Ano kaya ang relasyon nila ni Batman? Pero, idol ko talaga si Batman nun. Palagi ko siyang dinodrawing. Palagi ko siyang ginagaya. Lahat ng mga bagay na Batman gusting-gusto ko at meron ako. Yung t-shirt ko Batman. Yung lunch box ko, Batman. Yung pencil case ko, yung panyo, sumbrero, yung toothbrush, yung brief ko, lahat yun Batman. Mahal na mahal ako ng tatay ko kasi kahit mahirap lang kami palagi niya akong binibili ng mga Batman na bagay. Pero minsan, gusto ko talaga ng Batmobile na laruan. Nagpabili ako sa kanya, sabi ko "Tay, bili mo naman ako ng batmobile o." Pero, kakadaing lang niya sa trabaho nun, at wala daw siyang pera. Kasi kasali yata sa unyon, at wala siyang ticket line kaya yun, natanggal. Kaya gumawa na lang siya ng tarak- tarak na lata ng sardinas at binutasan na lang at kinabitan ng tansan at dun ko nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal.
At paglumipas na ang mga taon na si Batman ay tuluyan nang naglaho mula sa aking alaala. Ngunit sa isang madilim na sulok ng aking kamalayan, alam kong naroon pa rin si Batman - isang tahimik na aninong nakabalabal sa dilim at misteryo sa loob ng aking utak at kwarto. At mula noon ay nag-iba na nga ang ihip ng hangin, nagulo na ang ikot ng mundo, kumupas na ang kulay ng buhay, dumaan ang mga kasintahan, ang mga asawa, ang mga taong akala mo’y kaibigan pero yun pala’y tarantado, mga artistang araw-araw napapanood sa TV na mga bobo, mga pulitikong bobo, mga trabahong maliit lang ang suweldo, isang milyong limpak na mga problema, isang bahada ng mga hinanakit sa mundong hinagpis. Hindi ko na matagalan. Hindi ko na matiis. Hindi ko na kaya.
Ngayon, hindi ko na talaga kaya! Hindi ko na talaga kaya! Hindi ko na kaya! May narinig akong putok na nasa kaibuturan ng aking utak. Bumigay na ang tali! Sumabog na ang bulkan! Nabasag na ang pula! Kaya ngayon, isang madilim na madilim na gabi, ako ay narito na sa tuktok ng isang mataas na mataas na building sa Ayala. Ang sarap ng hangin na umihip-ihip sa aking kapa. Nakataas ang aking mga kamay! Nakataas na ang aking mga kamay! Malapit na akong lumipad! Malapit na akong lumipad! Malapit na akong lumipad! Lipad, Batman, lipad! Lumipad ka! Lumipad ka! Lumipad ka papuntang langit! Lumipad ka! Lumipad ka! Nakataas ang aking mga kamay, nakataas na ang aking mga kamay!
Eh pero, bigla kong naisip hindi naman pala lumilipad si Batman, diba? Hindi naman pala lumilipad si Batman. Hindi naman pala lumilipad si Batman. Kaya paalam, malupit na mundo. Paalam, mahal. Paalam po, inay, itay, kuya, ate, lolo, lola, paalam po. Lolo sa tuhod, paalam po. Lola sa siko, paalam po. Bantay, paalam. Muning, paalam. Ewan ko kung sinong magpapakain sa inyo. Paalam po, Aling Tekla. Paalam po, Mang Gorio. At saka ko na lang po babayaran yung sukang inutang ko sa inyo. Paalam, Jun-jun. Paalam, Bong-bong, Ba- bye Rose, Hoy! Ba-bye, Ba-bye, Baby. Ba-bye, Pablo… | |
| | | metalheadph
Gender : Date Joined : 2008-09-25 Reputation : 11
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Mon Nov 17 2008, 14:25 | |
| | |
| | | RINGO STARR
Gender : Date Joined : 2008-07-21 Reputation : 39
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Mon Nov 17 2008, 14:45 | |
| anong kasaysayan naman eto metal? hahahaha | |
| | | metalheadph
Gender : Date Joined : 2008-09-25 Reputation : 11
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Mon Nov 17 2008, 14:48 | |
| kasaysayan yan ni batman...hehehehe.... | |
| | | RINGO STARR
Gender : Date Joined : 2008-07-21 Reputation : 39
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Mon Nov 17 2008, 14:50 | |
| - metalheadph wrote:
- kasaysayan yan ni batman...hehehehe....
binasa ko tapos parang bitin ang ending hindi ko maintindihan parang nangarap lang siyang gising hahaahahaha... naka drugs ata siya hahahaha | |
| | | Jhoanna
Gender : Date Joined : 2008-01-20 Reputation : 49
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Mon Nov 17 2008, 14:56 | |
| matanda na pala c 'Bataman'! | |
| | | metalheadph
Gender : Date Joined : 2008-09-25 Reputation : 11
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Mon Nov 17 2008, 14:58 | |
| - RINGO STARR wrote:
- metalheadph wrote:
- kasaysayan yan ni batman...hehehehe....
binasa ko tapos parang bitin ang ending hindi ko maintindihan parang nangarap lang siyang gising hahaahahaha... naka drugs ata siya hahahaha pakinggan mo kasi sir ringo... | |
| | | RINGO STARR
Gender : Date Joined : 2008-07-21 Reputation : 39
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Mon Nov 17 2008, 15:01 | |
| - metalheadph wrote:
- RINGO STARR wrote:
- metalheadph wrote:
- kasaysayan yan ni batman...hehehehe....
binasa ko tapos parang bitin ang ending hindi ko maintindihan parang nangarap lang siyang gising hahaahahaha... naka drugs ata siya hahahaha pakinggan mo kasi sir ringo... sige gusto ko kasi loud speaker iyon bang pati ang tainga ko abot sa ngiti ko hahaahaha | |
| | | palaboy
Gender : Date Joined : 2008-08-10 Reputation : 17
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Mon Nov 17 2008, 15:07 | |
| maya ko n basahin ang kasaysayan ni batman. busy pa ngayon eh, hahahaha | |
| | | Ailou
Gender : Date Joined : 2008-01-21 Reputation : 129
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Mon Nov 17 2008, 19:53 | |
| wala naman ako naintindihan,kahit tagalog sinasabi nya.. hinde kaya ngtitrip yung kumanta nyan :scratch: | |
| | | jigs
Gender : Date Joined : 2008-03-26 Reputation : 23
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Tue Nov 18 2008, 08:39 | |
| sarap isayaw neto sabay k saken duday | |
| | | metalheadph
Gender : Date Joined : 2008-09-25 Reputation : 11
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Tue Nov 18 2008, 15:31 | |
| funny lyrics,....this is the real artist,,,,...marunong maglaro ng salita,...si abe din,..hehehehe....post ka din dito abe...hehehehe... | |
| | | metalheadph
Gender : Date Joined : 2008-09-25 Reputation : 11
| Subject: GUSTO KO NG BABOY Tue Nov 18 2008, 15:56 | |
| Gusto Ko Ng Baboy
by Radioactive Sago Project
Gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy. Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko, Gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy. Gusto ko ng ba, ba, baboy man!
Alam n'yo, bata palang ako mahilig na talaga ako Sa baboy. Lagi ako nagpapabili sa nanay ko ng baboy. Sabi ko, "ma, bili mo ako ng baboy. yung cute. Yung pink. yung maliit. yung may ribbon sa leeg." Sabi ng nanay ko, "bakit mo gusting magpabili ng Baboy, anak?" Sabi ko, "dadalin ko sa eskwela. kasi nay, lahat Ng tao mahilig sa baboy. malay mo, pag nakita ng Teachers ko yung baboy, matuwa sila kasi gusto Nila ng baboy eh. baka bigyan pa ako ng mataas Na grado." Sabi ng nanay ko, "hindi mo pwede dalhin ang Baboy sa eskwela, anak! baka magkalat lang yan Dun." Sabi ko, "nay, hindi mo ako naiintindihan.buo ang Loob ko, dadalin ko sa es-kwe-la."
Kaya Gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy. Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko, Gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy. Gusto ko ng ba, ba, baboy man!
Kaya, nung lumaki na 'ko, hindi parin nawala ang Hilig ko sa baboy. Palagi ako nagtratrabaho para makabili ng baboy. Minsan nga, nagagalit na sa akin yung asawa ko Dahil puro baboy, baboy, baboy na lang daw ang Nasa utak ko. Sabi niya, "walanghiya ka, puro ka na lang baboy, Baboy, baboy, ang payat-payat mo naman!" Sabi ko, "walanghiya ka rin, hindi mo 'ko Naintindihan. baboy ang kailangan ng katawan ko. Baboy ang kailangan ng katawan mo. baboy ang Kailangan ng katawan nating lahat. hindi mo ba Alam, ang nagpapatakbo ng mundo ay baboy, Baboy, baboy. hindi mo ba alam, diyos mo ay Baboy. baboy. tama. diyos natin ang baboy."
Kaya Gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy. Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko, Gusto ko ng baboy. gustong gusto ko ng baboy. Gusto ko ng ba, ba, baboy man!
Let's sow.. (2x) Kaya Gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy. Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gustong, Gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy. Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko, Gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy. Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko, Gusto ko ng baboy. gustong gusto ko ng baboy. Gusto ko ng ba, ba, baboy man!
'lam n'yo, maraming klaseng baboy sa mundo. May baboy na maliit, may baboy na medium-size, May baboy na extra large, pero kahit anong gawin Nila, baboy pa rin sila. Pare-pareho lang mga baboy na yan. Kahit anong sukat.. may baboy na dilaw, may Baboy na asul, may baboy na pula, may baboy na Puti, may baboy na pink, may baboy na green, May baboy na violet, may baboy na orange, pero Kahit anong kulay mga yan, baboy pa rin ang mga Yan! May baboy na matalino, may baboy na bobo, may Baboy na macho. May baboy na seksi, may baboy na bakla, may Baboy na mahirap, may baboy na mayaman. Mas baboy ka pag mayaman ka. may baboy na Businessman, maybaboy na musikero, may baboy Na makata, may baboy na basketball player, may Baboy na baranggay tanod, may baboy na Konsehal, may baboy na mayor, may baboy na Congressman, may baboy na pulis, may baboy na Teacher na nagtuturo ng kung anu-anong klaseng Kababuyan. Kaya wala na tayong magagawa, wala na tayong Magagawa. Napapaligiran tayong lahat ng baboy! Teka, pag-isipan natin 'to! Baka, ako baboy, siya, baboy. Ikaw, baboy. 'yun, baboy. 'di kaya... baboy tayong lahat!
Kaya Ayoko na ng baboy, ayoko na ng baboy, Ayoko na ng ba, ba, baboy, biik, Ayoko na ng baboy, ayoko na ng baboy, Ayoko na ng ba, ba, baboy man! | |
| | | Guest Guest
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Tue Nov 18 2008, 15:58 | |
| ayaw mo ng chicken? nakak hig blood ang baboy! nyahahaha |
| | | metalheadph
Gender : Date Joined : 2008-09-25 Reputation : 11
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Tue Nov 18 2008, 15:58 | |
| | |
| | | Guest Guest
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Tue Nov 18 2008, 15:59 | |
| |
| | | metalheadph
Gender : Date Joined : 2008-09-25 Reputation : 11
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Tue Nov 18 2008, 16:09 | |
| hehehehe,..kanya kanyang trip lang yan ate...enjoy nyo na lang and get the message of the song...kelangan mo sumisid ng malalim para maintindihan nyo tunay na mensahe...hehehe... | |
| | | metalheadph
Gender : Date Joined : 2008-09-25 Reputation : 11
| Subject: ASTRO CIGARETTES by Radioactive Sago Project Tue Nov 18 2008, 16:12 | |
| Para sa tunay na lalake Para sa tunay na lalakeng hindi natatakot Para sa tunay na lalakeng hindi natatakot tumalon sa bangin Para sa tunay na lalakeng lumalangoy sa salamin
Suwabe at mabango 'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo Heto na ang totoo Heto na ang totoo
Para sa tunay na lalakeng lumilipad at lumulutang Para sa tunay na lalakeng nagsi-swimming sa kalawakan Para sa tunay na lalakeng kumakanta at niroromansa ang buwan Para sa tunay na lalakeng kumakain ng buwan
Suwabe at mabango 'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo Heto na ang totoo Heto na ang totoo dahil... Heto na, heto na ang... Astro, Astro cigarettes Astro, Astro cigarettes
Pagkatapos mong kumain, mag-yosi ka Pagkatapos mong mag-yosi, matulog ka Mahimbing ka, managinip ka Mangarap ka... | |
| | | metalheadph
Gender : Date Joined : 2008-09-25 Reputation : 11
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Tue Nov 18 2008, 16:14 | |
| | |
| | | Ailou
Gender : Date Joined : 2008-01-21 Reputation : 129
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Tue Nov 18 2008, 17:18 | |
| Gusto ko makilala kumanta nyan,baka Gusto nya ng batok! :devil: | |
| | | Guest Guest
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Tue Nov 18 2008, 17:23 | |
| hahahaha!! sis ay baka d lang batok pati tadyak sama mo na rin!! |
| | | Ailou
Gender : Date Joined : 2008-01-21 Reputation : 129
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Tue Nov 18 2008, 17:24 | |
| inaantok ako sa kanta nya,infairness,wala ako maintindihan :devil: | |
| | | Guest Guest
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Tue Nov 18 2008, 17:28 | |
| hahahaha! ako nag eenjoy!! nag eenjoy basahin ang lyrics!! nyahahah |
| | | metalheadph
Gender : Date Joined : 2008-09-25 Reputation : 11
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Tue Nov 18 2008, 17:30 | |
| hahaha...enjoy talaga yan... | |
| | | metalheadph
Gender : Date Joined : 2008-09-25 Reputation : 11
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT Tue Nov 18 2008, 17:32 | |
| hahaha...batukan nyo si lourd de veyra....xa gumawa at kumanta nyan...hehehehe...astig ba?.. | |
| | | Sponsored content
| Subject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT | |
| |
| | | | ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT | |
|
Similar topics | |
|
| Permissions in this forum: | You cannot reply to topics in this forum
| |
| |
| Top posting users this week | |
Poll | | Super selos! | Babae | | 70% | [ 69 ] | Lalaki | | 30% | [ 30 ] |
| Total Votes : 99 |
|
KonekPinoy Facebook | |
KP T-shirt | |
|