Konek Pinoy: A Place where Everybody Cares!
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortal**GalleryLatest imagesSearchRegisterLog in

 

 Bakit Mahilig Ang Lalaki Tumingin Sa Boobs At Pwet

Go down 
2 posters
AuthorMessage
tiagong_akyat
Haligi ng Konek
 Haligi ng Konek
tiagong_akyat


Gender : Male
Date Joined : 2008-03-18
Reputation : 9

Bakit Mahilig Ang Lalaki Tumingin Sa Boobs At Pwet Empty
PostSubject: Bakit Mahilig Ang Lalaki Tumingin Sa Boobs At Pwet   Bakit Mahilig Ang Lalaki Tumingin Sa Boobs At Pwet Icon_minitimeMon Sep 15 2008, 16:25

Ano nga ba ang dahilan kung bakit mahilig tumingin ang lalaki sa boobs at
pwet ng babae? Tsaka bakit halos lahat ng lalaki? Bakit madaming
nagpapalaki
ng boobs para mapansin lang? Bakit prerequisite ang hugis ng katawan para
masabi mong maganda talaga ang isang babae?

MRT. Bus. Jeep. Mall. Classroom. Office. Bar. Kahit saan ka yata pumunta,
makakakita ka ng isa o grupo ng mga lalake na matitigilan at mamamangha sa
presence ng isang babae (minsan ex-lalake) na may malaking boobs o
magandang
hugis ng pwet. May mambabastos, may mapapangiti, may mapapatitig, at ang
karamihan ay gagamit ng kanilang "pornographic memory" para magamit
pag-uwi
sa bahay.

May isa akong nakilalang babae na malaki yung boobs, 36C. Naiinis siya
kasi
lahat ng kausap niyang lalaki hindi maka-maintain ng eye-to-eye contact.
Isa na ako dun sa mga lalaking yon. Dati naman kasama ko yung girlfriend
ko.
Nag-away kami dahil hindi ko namalayan na nasundan ko pala ng tingin yung
isang babaeng mala-Jennifer Lopez ang likod. At nang minsang nakasakay ako
sa bus at walang maupuan, hindi ko mapigil lingunin nang lingunin ang
cleavage nung isang nakaupo.

Dito ako napatigil at napaisip. Manyak ba ako?

Ano nga ba ang dahilan kung bakit mahilig tumingin ang lalaki sa boobs at
pwet ng babae? Tsaka bakit halos lahat ng lalaki, hindi lang ako? Bakit
madaming nagpapalaki ng boobs para mapansin lang? Bakit prerequisite ang
hugis ng katawan para masabi mong maganda talaga ang isang babae?

Sa paghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong na ito, sinubukan kong
mag-search sa Google. Maniwala kayo sa akin, mahirap maghanap ng kasagutan
sa tanong na "Why men love looking at big breasts" sa internet. Hindi
kasagutan ang ibibigay sa yo kundi mga links sa porn sites. Buti na lang
may
kakilala ako na nagsabi sa kin na tumingin sa "evolutionary psychology".
Evolution as in Darwin, Psychology as in Freud.

Ayon sa mga sites at forums na nagdi-discuss ng evolutionary psychology,
iisa lang ang direction ng evolution. Ito ay ang pag-maximize ng chances
sa
survival. Ang lalaki ay pipili ng babae na makakapag-ensure ng survival ng
kanyang offspring, at ang babae naman ay pipili ng lalake na
makakapagbigay
ng magandang genes.

Hindi na ako nagtataka kung bakit ang mga babae ngayon ay tumitingin agad
sa
CAR-acter at sa PESO-nality ng lalaki. Ito ay rooted sa mga ninuno natin
na
ang pinakamagaling na lalaki sa isang tribe ay ang pinakamaraming
maiuuwing
game mula sa hunting nila. Natural na sa babae ang maghanap ng isang
"provider".

Gayun din na ang fixation ng lalaki sa malalaking boobs ay rooted daw sa
idea na ang mga ito ay makakapagbigay ng "nourishment and sustenance".
Kapag malaki ang boobs, mas malaki ang chances ng survival ng offspring.
Ang pagtingin naman sa pwet ay natatagpuan din sa ating mga kapatid na
primates, specifically ang mga chimpanzees, na kung saan pag "available
for
sex" ang isang babaeng chimp, inilalapit nya ang kanyang pwet sa head
monkey
para lamas-lamasin, kurut-kurutin, at amuy-amuyin. Pag nagustuhan ito ng
alpha male monkey, doon sila magse-sex. Nakakatawa kung iisipin, pero ang
pagtingin ko pala sa boobs at pwet ay bahagi lang ng aking nature as a
male.
Ika nga ng tatay ni Jim sa American Pie, "it's a perfectly natural thing".
Kung totoo ito, bakit masama ang tumingin? Tingin lang naman e. Walang
hawak, walang hipo. Tingin lang.

Siguro nga, kultura lang ang nagpabago ng perspective natin sa natural
urge
na ito. Dahil sa relihiyon, ang pagtingin sa katawan ng babae ay nilagyan
ng
label na "pagnanasa". Dahil sa media, ang mga artistang babae na maganda
ang
boobs at pwet ay tinatakan na "sex symbol" o "pantasya ng bayan". At dahil
sa marketing, ang liposuction, breast enhancement, at kung anu-ano pang
retoke sa katawan ay ginagawa "to enhance the self confidence of a woman".
Ang mga revealing na bra, ang mga push-up bra, ang mga binebenta sa TV na
breast creams, yung cycling shorts na nage-enhance ng butt cheeks, ay
tinatatakan na "personality enhancement apparel/tools".

At shempre, ang mga lalaking katulad ko na tumitingin lang ay tinatatakan
na
"manyak".
Back to top Go down
Ailou
Administrator
 Administrator
Ailou


Gender : Female
Date Joined : 2008-01-21
Reputation : 129

Bakit Mahilig Ang Lalaki Tumingin Sa Boobs At Pwet Empty
PostSubject: Re: Bakit Mahilig Ang Lalaki Tumingin Sa Boobs At Pwet   Bakit Mahilig Ang Lalaki Tumingin Sa Boobs At Pwet Icon_minitimeThu Dec 11 2008, 20:01

Hindi na ako nagtataka kung bakit ang mga babae ngayon ay tumitingin agad sa CAR-acter at sa PESO-nality ng lalaki. rolling 4 laugh ayos yan ah!
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/ailou
 
Bakit Mahilig Ang Lalaki Tumingin Sa Boobs At Pwet
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Konek Pinoy: A Place where Everybody Cares! :: RECREATION :: Jokes-
Jump to: