HomePortal**GalleryFAQSearchRegisterLog in

Share
 

 tulong ng panalangin

Go down 
AuthorMessage
stryke
Konek Thread Setter
  Konek Thread Setter
stryke

Gender : Male
Date Joined : 2008-11-19
Reputation : 19

tulong ng panalangin Empty
20090924
Posttulong ng panalangin

ibang klase talaga si Lord pag nanubok
biruin mo ako'y talagang kanyang nilugmok
buhay namin talagang tumamlay, salapi'y di sumasapat sa pangangailangan
ako'y nababaon sa pagkakautang

buhay namin ay simple lamang naman
pero ako ay kanyang sinusubukan
kung sa pananampalataya sa kanya ako ay bibigay
at sya'y sisisihin sa mga pasakit na ngayon ay taglay

nawalan ng trabaho ang aking asawa
na tangi kong katulong sa gastusin sa anak naming dalawa
isang malaking pagbabago sa aming buhay
ngunit lahat ng ito'y sa kanya ay inialay

buti nalang kahit papaano ako ay matibay
at di bumitaw sa kanyang pagkakaakbay
at sa matinding pananalig at panalangin
kanya ng ibinigay ang aking mga hinihiling

konti lamang naman ang aking dinarasal
sa kanyang dambana sa twing sya'y dinadalaw
nawa'y iyo ng alisin ang aking mga pasakit
at ibigay sa aking muli ang damdaming parang nasa langit

salamat Lord at sa darating na araw ay magiging ok na muli
ang aming simpleng buhay normal na uli
talagang malaking tulong ang pananalangin sayo
lahat ng karaingan ay dinirinig mo

Back to top Go down
Share this post on: diggdeliciousredditstumbleuponslashdotyahoogooglelive

tulong ng panalangin :: Comments

RINGO STARR
Re: tulong ng panalangin
Post on Wed Oct 14 2009, 11:51 by RINGO STARR
lets help even to say a prayer for them...
stryke
Re: tulong ng panalangin
Post on Mon Oct 12 2009, 12:16 by stryke
hehehehe


nga pala si yhanzki nakatext ko grabe din daw sa kanila tapos ninakawan pa sila sa marikina area pala sya
RINGO STARR
Re: tulong ng panalangin
Post on Sat Oct 10 2009, 10:33 by RINGO STARR
stryke wrote:
my loves hehehe frustated makata ako eh hehehe


tol sana dapor ang ipadala ni inay para irescue tayo hehehe


sa lahat po ng mga nanalangin at nakisimpatya maraming salamat po kiss ko nalang kayo mwuaaahhhhh god bless po

hahahahah huwag mo akong i kiss hahahahaha... thank you would be enough sir... nagpadala na ako ng donation dyan hehehehe...
stryke
Re: tulong ng panalangin
Post on Wed Oct 07 2009, 13:55 by stryke
my loves hehehe frustated makata ako eh hehehe


tol sana dapor ang ipadala ni inay para irescue tayo hehehe


sa lahat po ng mga nanalangin at nakisimpatya maraming salamat po kiss ko nalang kayo mwuaaahhhhh god bless po
sweet_cristy88
Re: tulong ng panalangin
Post on Fri Oct 02 2009, 00:24 by sweet_cristy88
hehe my loves nagbabalak ka atah ah..hehe parang Tula na hekhek
jigs
Re: tulong ng panalangin
Post on Wed Sep 30 2009, 11:22 by jigs
pareho pala tayo stryke..isa rin akong biktima ni ondoy.. manawagan tayo ke inay baka sakaling padalahan tayo ng rescue praying
Jhoanna
Re: tulong ng panalangin
Post on Wed Sep 30 2009, 10:59 by Jhoanna
kaya meron kang ganyang pagsubok kasi alam Niya na kayang kaya mo yan! Basta wag lang bibitaw fafa stryke!
stryke
Re: tulong ng panalangin
Post on Wed Sep 30 2009, 10:14 by stryke
salamat po inay
yup ubos lahat ng gamit ko
Ailou
Re: tulong ng panalangin
Post on Tue Sep 29 2009, 21:13 by Ailou
so sad nabalitaan ko nadamay pa kayu ng baha..pagsubok ulit,malalagpasan nyo din yan.
RINGO STARR
Re: tulong ng panalangin
Post on Thu Sep 24 2009, 15:17 by RINGO STARR
Ang lahat ay may kasagutan sa sarili mong paraan
Tama lang na kapitan mo siya sa oras ng kagipitan
Ngunit kailangan kumilos para eto iyong makamatan

Mga alintuntunin sa buhay dapat bigyan pansin
Maliit na bagay kailangan pa bang pa umagahin?
Agad gawan ng paraan at dina palakihin.

Minsan akala mo pag subok lamang,
Ang totoo paalala ng iyong simulan
Na kailangan lumingon sa iyong pinangalingan

Kaya ang isipin mo lagi
Nasa Diyos ang awa
nasa Tao ang gawa.
wink
Re: tulong ng panalangin
Post  by Sponsored content
 

tulong ng panalangin

Back to top 

Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Konek Pinoy: A Place where Everybody Cares! :: RECREATION :: KP Bloggers-
Jump to: