# 2 pala poodle
#5 dobberman
kwento ko na lang mga alaga namin,kasi namiss ko talaga.
yan kasi alaga namin,kaso patay na si Poodle( Poodle ang name nya din) kasi matanda na,pero totoo smart saka parang may isip un,angkas ko yun sa bike lagi dun sya may handle nakahawak ,paa nya nakatuntong lang sa bakal..di sya nalalaglag.,then pag matutulog na kami sya unan ko kahit na gising na sya di yan aalis kasi alam nya malalaglag ulo ko
di yun kakain hanggat di sinasabi,kahit gutom na sya.12yrs sya samin,namatay sya kasi matanda na..ng bago sya mamatay lumapit pa sakin gsto nya ng gatas..pag inom humiga sa kandungan ko dun sya namatay
kaya daig pa namatayan ako ng kamag anak tagal akong nakapag move on na wala sya
dobberman (Hogan and Regine ) 2 mgkapatid yun babae at lalaki.,matalino ,turuan talaga sila,tatay ko lang nagturo ,2 tao lang pwede magpakain sa knila,ako at papa ko,the rest pag sila ngpakain di kakainin.Sila tumulong sakin ng nakariot sa lugar namin,ng sinabi kong kill ,hinabol yung mga salbahe,matapang talaga para kang papatayin nun sa laki ng bunganga
Kakatakot talaga sila kasi tahol pa lang para ka ng dadambahin.Food nila everyday is adobong manok saka kanin,ako nagluluto nun araw araw isang malaking kaldero para maghapon na nila yun per kilo ako namimili ng manok..kapag wala namimili ako lutong ulam sa kanto lols! pero totoo yun kaya mas masarap pa kinakain nila sakin
,kakatuwa nga di bale wala kaming ulam sila may ma-ulam lang
.
Ng iniwan ko sila dahil nagpunta ako ng Japan,1 week ako ngturo at pinakilala ang papalit na mgpapakain sa kanila,kasi mailap sa tao kahit sa kapatid ko ayaw kumain ng hindi ako at tatay ko.