Konek Pinoy: A Place where Everybody Cares!
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortal**GalleryLatest imagesSearchRegisterLog in

 

 some of them heheheh

Go down 
AuthorMessage
RINGO STARR
Haligi ng Konek
 Haligi ng Konek
RINGO STARR


Gender : Male
Date Joined : 2008-07-21
Reputation : 39

some of them heheheh Empty
PostSubject: some of them heheheh   some of them heheheh Icon_minitimeWed Dec 31 2008, 15:11

SA lahat ng KAIBIGAN kong nagmamahal sa akin, SALAMAT!
Sa mga GUMAGO sa akin, may araw rin kayo, mga gago!
Sa mga NAGPALIGAYA sa akin… sa uulitin, ha? Galingan n’yo pa!
Sa mga NANIRA sa akin, sige lang! Walang gamot sa insecurity!
Sa mga NAGPAIYAK sa akin, kunyari lang ‘yun! Artista ako, mga tanga!
Sa mga NAKAINUMAN ko, alak pa?!
Sa taong MINAHAL ko, SWERTE mo!
Sa mga AYAW sa akin, mamatay na kayo!
At sa mga tropa kong mahal ako, mahal ko rin kayo… mga adik!!!
Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
Muli, ang pakiusap namin sa mga mambabasa… HUWAG PO NINYONG SERYOSOHIN ang mga kabulastugang natitipon sa pitak na ito.
Jokes lang po, walang personalan.
***
AMBO: Balita ko ay magbabagong-buhay ka na ngayong 2009?
BOGS: Oo, pare. Dahil kahit kailan, ang kasamaan ay walang idinudulot na mabuti.
AMBO: Oo nga! At ang gawaing masama ay laging may karma!
BOGS: O, sige, pare… ako’y lalabas na. Sana’y mabigyan ka rin ng pardon ni GMA next year!
AMBO: Good-bye, kakosa!
***
Gustong magbagong-buhay ng sakristan na si Felipe sa bagong taon, kaya ikinumpisal niya kay Fr. Damaso ang mga kasalanan niya…
FR. DAMASO: Felipe, hindi pa kita pwedeng patawarin.
FELIPE: Ho? Bakit ho, Father?
FR. DAMASO: Kasi, may kasalanan ka na hindi mo pa binabanggit.
FELIPE: Ano po ‘yun, Father?
FR. DAMASO: Ikaw ba ang kumukupit sa perang donasyon sa altar?
FELIPE: (nabingi kuno) Ano po, Father?
FR. DAMASO: Sabi ko, ikaw ba ang kumukupit sa donasyon sa altar?!
FELIPE: Hindi ko talaga marinig, Father! Gusto n’yo, palit tayo ng puwesto.
(At nagpalit sila ng puwesto…)
FR. DAMASO: Sige, magtanong ka.
FELIPE: Father, ikaw ba ang nakabuntis kay Dorang Labandera?
FR. DAMASO: Ay, totoo nga! Hindi marinig dito!
***
Ang chickboy na sakristang si Rommel naman ang nangumpisal kay Fr. Damaso…
ROMMEL: Father, nais ko pong ikumpisal ang aking mga kasalanan.
FR. DAMASO: Sige, Rommel, simulan mo at makikinig ako…
ROMMEL: Halos lahat po ng madre sa kumbento, nasilipan ko na.
FR. DAMASO: Malaking kasalanan sa Diyos ang ginawa mo!
ROMMEL: Totoo po ‘yun, Father. Banggitin n’yo po ang pangalan ng mga madre at sa pamamagitan ng ‘ahem’ ay malalaman n’yo na nasilipan ko na po!
FR. DAMASO: Sige nga… Sister Dolores.
ROMMEL: Ahem!
FR. DAMASO: Sister Emilia.
ROMMEL: Ahem!
FR. DAMASO: Sister Teresa.
ROMMEL: Ahem!
FR. DAMASO: Sister Beatriz.
ROMMEL: Ahem!
FR. DAMASO: Sister Consolacion.
ROMMEL: Ahem!
FR. DAMASO: Sister Corazon, Sister Lorena, Sister Paz, Sister Caridad, Sister Esperanza…
ROMMEL: Ahem! Ahem! Ahem! Ahem! Ahem! Isa na lang ang hindi ko pa nasisilipan, Father, at ‘yun ang hindi pa ninyo nababanggit…
FR. DAMASO: Sino naman ‘yun?
ROMMEL: Si Sister Isabel.
FR. DAMASO: Ahem!
***
Totoo pala ang balita…
Si HIDE N. KOO ay out na sa CONDO.
Sinipa raw ni BELLE below.
Napanood kasi sa video na KINATRE NA ang kaHALILI. [Adarmi]
***
Minsan, pinaupo ako sa gitna ng kuwartong puno ng tao… ayun! Nauso ang CENTER OF ATTRACTION.
Eh sa sobrang kaba, hinimatay ako… Du’n naimbento ang term na DROP DEAD GORGEOUS.
Tapos, hinuli ako ng pulis. Ano’ng kaso? POSSESSION OF A KILLER SMILE daw.
Sa sobrang inis, tinakpan ko na lang ng panyo ang mukha ko. Du’n nagsimula ang WHOLESOME IMAGE.
Pero may sumaksak sa akin bigla. Du’n nauso ang SAKSAKAN NG GANDA.
Walang kahangin-hangin.
***
T: Bakit mahilig ang mga babae sa magagandang sapatos?
S: Para SHOESYAL ang dating!
***
FLASH REPORT! Isang bangkay ang nakatakas sa sementeryo! Pinaghahanap ng batas!
Nagbanta umano ang bangkay! Hindi raw siya pahuhuli nang buhay!
***
“Madalas… ang mga bagay na ipinapayo mo sa ibang tao… ay mas epektibo sa ‘yo.” –
***
“Pag may mahal ka at ayaw sa ‘yo, hayaan mo. Malay mo, sa mga susunod na araw, ayaw mo na rin sa kanya, naunahan ka lang.” –
***
Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text nang wantusawa eh may gusto na sa ‘yo at magkakatuluyan kayo.
Meron lang talagang mga tao na sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.
***
“Sana, ma-in love din si BOB ONG para malaman niyang hindi ganu’n kadaling gamitin at sundin ang Common Sense kapag Pag-ibig ang pinag-uusapan.” –
***
TIKYO: Ba’t namamaga ang ilong mo?
BERTO: Nakita mo ‘yung kalaykay sa garden?
TIKYO: Oo.
BERTO: Ako, hindi ko nakita!
***
Sa isang klinika…
DOK: Aba! Grabe naman ang laki ng butas ng kipay mo! Aba! Grabe naman ang laki ng butas ng kipay mo!
POKPOK: Si Dok naman… inulit pa!
DOK: Hindi ko inulit, iha. Nag-echo lang!
***
Sa isang restaurant…
EDGAR: Anu-ano ba ang ulam na kasama sa combo meal n’yo?
WAITER: Ano ho ‘yun, sir… paksiw na gitara, nilagang drumset at adobong microphone!
***
Sa police station…
ALONA: Hu! Hu! Hu! Hu! Hu!
PULIS: Ba’t umiiyak ka, miss?
ALONA: Ni-rape po ako, sir!
PULIS: Sino ang nang-rape sa ‘yo?
ALONA: Marami po sila.
PULIS: Ba’t hindi ka sumigaw nu’ng nire-rape ka?
ALONA: Sumigaw po ako!
PULIS: Ano naman ang isinigaw mo?
ALONA: Next! Next! Next!
***
FRANCIS: Pare, the best ‘yung nakuha kong insurance. Pag nasunog ang bahay mo, ipapagawa agad! Pag nawala ang kotse mo, papalitan agad!
JAY: Aba! Maganda nga ‘yan, pare!
FRANCIS: At ang the best du’n, pag nawala ang asawa mo, sinisiguro nilang hindi na nila ibabalik sa ‘yo! Ok, di ba?!
***
JOEY: Ano bang hinahanap mo d’yan sa supot ng 3-in-1 coffee? Kanina ka pa silip nang silip d’yan!
RONNIE: Hinahanap ko ‘yung libreng asukal. Nakasulat kasi sa karton, ‘sugar free’!
***
Pareho lang ang mga unggoy at babae… laging pinag-aawayan ang saging.
Pareho lang amga daga at lalaki… laging naghahanap ng bagong butas.
***
May nagpa-translate sa akin ng signage sa Tagalog.
“EMERGENCY EXIT!”
Ang sabi ko, “Madaling labasan!”
Tama ba? Parang bastos yata.
***
Ayoko ng babaeng nakadilat. Ang gusto ko ay ‘yung babaeng parang manyika…
Kapag inihiga mo ay pumipikit ang mga mata!
***
Panalong hirit sa mga hindi kanais-nais na tao…
“Ilang pages ka ba? Ang kapal mo kasi, eh!”
***
Bawa’t tao, iba magmahal. May tunay, may salawahan.
May mahirap magpadama, may todo bigay.
Iba-iba man ang paraan, wala akong pakialam dahil wala naman akong lovelife!
***
“Hindi ko alam kung paano ako kapag wala ka sa likod ko… Pakiramdam ko, lahat ng gagawin ko, mali. Ang masama pa, wala ka para itama ‘yun.” – LAPIS na walang PAMBURA
EMO rin pala!
***
If flirting is a sport… I’m sure, varsity ako…
At ikaw… MVP!
Back to top Go down
 
some of them heheheh
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Konek Pinoy: A Place where Everybody Cares! :: RECREATION :: Jokes-
Jump to: