Konek Pinoy: A Place where Everybody Cares!
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortal**GalleryLatest imagesSearchRegisterLog in

 

 ISTORYA NG ISANG PUTA

Go down 
4 posters
AuthorMessage
palaboy
Haligi ng Konek
 Haligi ng Konek
palaboy


Gender : Male
Date Joined : 2008-08-10
Reputation : 17

ISTORYA NG ISANG PUTA Empty
PostSubject: ISTORYA NG ISANG PUTA   ISTORYA NG ISANG PUTA Icon_minitimeTue Nov 18 2008, 10:35

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko. Halika at makinig ka muna sa kwento ko.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Sikat ka sa lahat, virgin eh! Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako?

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Kastilaloy. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, at ano ka… may datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-Ingles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!

Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami. Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**!
Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula.

Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin. Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nananamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa. Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak.

Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa’t isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko.

Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala ang sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw, “Ina ninyo ako! Mahalin nyo naman ako!”

Salamat ha at pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko pala nasabi… PILIPINAS nga pala ang pangalan ko.
Back to top Go down
RINGO STARR
Haligi ng Konek
 Haligi ng Konek
RINGO STARR


Gender : Male
Date Joined : 2008-07-21
Reputation : 39

ISTORYA NG ISANG PUTA Empty
PostSubject: Re: ISTORYA NG ISANG PUTA   ISTORYA NG ISANG PUTA Icon_minitimeTue Nov 18 2008, 14:22

Whore pala ang pinas? hehehehe ano iyong punyetang puder?
Back to top Go down
Guest
Guest
Anonymous



ISTORYA NG ISANG PUTA Empty
PostSubject: Re: ISTORYA NG ISANG PUTA   ISTORYA NG ISANG PUTA Icon_minitimeTue Nov 18 2008, 15:19

d ako maka relate.. tatamad ako mag basa.. pwede kwneto mo na lang sakin yaN? hehehe
Back to top Go down
TGP
Banned sa Konek
 Banned sa Konek
TGP


Gender : Male
Date Joined : 2008-04-30
Reputation : 13

ISTORYA NG ISANG PUTA Empty
PostSubject: Re: ISTORYA NG ISANG PUTA   ISTORYA NG ISANG PUTA Icon_minitimeTue Nov 18 2008, 16:23

he he he he bakit puta naman...ang pinakamalupit sa lahat ng "anak" ay yong mga asa gobyerno..sila at ala ng iba pa ang dapat sisihin sa nangyayari sa pinas.ng dahil sa corruption kaya ang ibang "anak" e umalis para mabuhay. :devil:
Back to top Go down
frenejp30
Konek Adviser
 Konek Adviser
frenejp30


Gender : Male
Date Joined : 2008-03-13
Reputation : 14

ISTORYA NG ISANG PUTA Empty
PostSubject: Re: ISTORYA NG ISANG PUTA   ISTORYA NG ISANG PUTA Icon_minitimeWed Nov 19 2008, 05:54

kaya nga nilaspag ang pinas ng mga foreign investors, pati ang mga likas yaman natin inaangkat sa ibang bansa at di tayo nakikinbang. sana nga may magawa tayo para sa pilipinas.
Back to top Go down
palaboy
Haligi ng Konek
 Haligi ng Konek
palaboy


Gender : Male
Date Joined : 2008-08-10
Reputation : 17

ISTORYA NG ISANG PUTA Empty
PostSubject: Re: ISTORYA NG ISANG PUTA   ISTORYA NG ISANG PUTA Icon_minitimeThu Nov 27 2008, 09:59

meron pa kayang chance na maibangon ang bansa? siguro kung wala na lang gov officials para walang corrupt. :p hehehe
Back to top Go down
Sponsored content





ISTORYA NG ISANG PUTA Empty
PostSubject: Re: ISTORYA NG ISANG PUTA   ISTORYA NG ISANG PUTA Icon_minitime

Back to top Go down
 
ISTORYA NG ISANG PUTA
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» delayed ng isang buwan
» May tatlong magkukumare naglalakad sa palengke habang napatawa ang isang kumar1:

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Konek Pinoy: A Place where Everybody Cares! :: ..Konek Pinoy Discussion.. :: Inspirational, Beliefs & Words to Ponder-
Jump to: