Konek Pinoy: A Place where Everybody Cares!
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortal**GalleryLatest imagesSearchRegisterLog in

 

 MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY

Go down 
4 posters
AuthorMessage
yhanzki
Haligi ng Konek
 Haligi ng Konek
yhanzki


Gender : Male
Date Joined : 2008-08-17
Reputation : 23

MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY Empty
PostSubject: MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY   MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY Icon_minitimeSun Nov 16 2008, 14:53

PAG-AARAL

"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka
pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."

"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan..."

"Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang
paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga
taong literado pero hindi nagbabasa."

"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang
dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

BUHAY (IN GENERAL)

"nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito
multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-
blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya,
palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may
pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

"Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"

"Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."


HALO-HALO

"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

"ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."

"hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

"hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "

"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong
sa'yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro
namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."

"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."

"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao,
tulad ko."

"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa
paggawa ng wala."

"iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala."

"iba ang informal gramar sa mali !!!"

" Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay yun, dapat matagal na kong patay."

"Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In
English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!"
Back to top Go down
RINGO STARR
Haligi ng Konek
 Haligi ng Konek
RINGO STARR


Gender : Male
Date Joined : 2008-07-21
Reputation : 39

MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY Empty
PostSubject: Re: MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY   MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY Icon_minitimeSun Nov 16 2008, 16:29

Maganda hindi ko alam ko matuwa ako o maiyak ... thanks for sharing your life yhanzki hehehe
Back to top Go down
Guest
Guest
Anonymous



MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY Empty
PostSubject: Re: MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY   MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY Icon_minitimeSun Nov 16 2008, 16:37

d ako masyado maka relate.. heheheh! FACT you men! nyahahha
Back to top Go down
TGP
Banned sa Konek
 Banned sa Konek
TGP


Gender : Male
Date Joined : 2008-04-30
Reputation : 13

MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY Empty
PostSubject: Re: MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY   MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY Icon_minitimeTue Nov 18 2008, 17:40

wow nice post and thanks for sharing

heto ang me dating dyan.


yhanzki wrote:
PAG-AARAL

"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang
dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

Back to top Go down
Ailou
Administrator
 Administrator
Ailou


Gender : Female
Date Joined : 2008-01-21
Reputation : 129

MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY Empty
PostSubject: Re: MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY   MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY Icon_minitimeTue Nov 18 2008, 19:38

di ba galit author nyan? lots of laugh
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/ailou
Guest
Guest
Anonymous



MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY Empty
PostSubject: Re: MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY   MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY Icon_minitimeWed Nov 19 2008, 08:42

thanks for sharing .. binasa ko na ngayon.. hahahha
Back to top Go down
Sponsored content





MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY Empty
PostSubject: Re: MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY   MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY Icon_minitime

Back to top Go down
 
MAGAGANDANG LEKSYON SA BUHAY
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Buhay OFW.......

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Konek Pinoy: A Place where Everybody Cares! :: ..Konek Pinoy Discussion.. :: Inspirational, Beliefs & Words to Ponder-
Jump to: