ANG KANDILA
Pag dating ni Munir sa bahay, sabi ni Ei, ang asawa
nya, "Sweetheart, delayed ako ng isang buwan.
Kagagaling ko lang sa doktor. Pero huwag mong sabihin
kahit kanino, baka mapahiya lang ako kapag di
nagkatotoo."
Kinaumagahan, merong dumating na taga-Meralco.
Pagbukas ng pinto, sabi niya, "Ale, delayed ho kayo ng
isang buwan." "Kanino mo nalaman ito?" tanong ni Ei.
"Nandito ho nakasulat sa records namin," sagot ng
taga-Meralco. "Talaga? Nakasulat sa records ninyo?"
Sa sumunod na araw, si Munir ay dumating galit na
galit sa counter ng Meralco. "Paano niyo nalaman na
delayed ng isang buwan ang misis ko? "Konting pasensya
lang. Kung gusto niyong mawala sa records namin ito,
magbayad na lang kayo," sagot ng isang empleyado. "Eh,
kung ayaw kong magbayad?" tanong ni Munir. "Puputulan
ho kayo," sagot ng empleyado. "Kung puputulan ako,
anong gagamitin ng misis ko?" "Pwede naman siyang
gumamit ng kandila, di ba?"