Pag wala ka, matipid ako sa pera
Di ko na kelangang kumain lagi sa labas,
Di na nauubos ang prepaid ko ng 2 araw
Marami tuloy akong naiipon
Pag wala ka, mas may oras ako para sa sarili ko
Di ko na kelangang gumising ng maaga
Di na ko naaabala pag may kelangan ka
Nagagawa ko tuloy ang mga matagal ko ng di nagagawa
Pag wala ka, mas marami akong nasasamahan
Di ko na kelangang mag-alala na magagalit ka
Di na ko natatakot na sumama sa iba
Mas marami tuloy akong nagiging kakilala
Pag wala ka, ang dali lang ng buhay
Di ko na kelangang isipin lahat ng ginagawa ko kung
makakasakit ba sayo
Di na namumugto mga mata ko
Nawawala tuloy mga pimples ko
Pero alam mo, pag wala ka pala, parang wala ng kwenta
Marami nga akong pera, di naman nun mabibili
pagmamahal mo.
May oras nga ako sa sarili ko, pero pag wala na kong
magawa, ikaw pa rin naiisip ko.
Marami nga akong nasasamahan pero wala naman
makapantay sayo
Madali nga ang buhay, pero nakakabato.
Hindi pala ganun kahalaga ang mga material,
Hindi pala ganun kababaw ang kaligayahan,
Hindi pala ganun ang tunay na kalayaan,
Wala palang kwenta kahit lahat ng yun meron ka
Pag wala ka pala, parang wala na rin ako...