Konek Pinoy: A Place where Everybody Cares!
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomePortal**GalleryLatest imagesSearchRegisterLog in

 

 Kung Pinoy si Noah. Ano kayang mangyayari sa pinapagawa ng Diyos sa kanya????

Go down 
3 posters
AuthorMessage
tiagong_akyat
Haligi ng Konek
 Haligi ng Konek
tiagong_akyat


Gender : Male
Date Joined : 2008-03-18
Reputation : 9

Kung Pinoy si Noah. Ano kayang mangyayari sa pinapagawa ng Diyos sa kanya???? Empty
PostSubject: Kung Pinoy si Noah. Ano kayang mangyayari sa pinapagawa ng Diyos sa kanya????   Kung Pinoy si Noah. Ano kayang mangyayari sa pinapagawa ng Diyos sa kanya???? Icon_minitimeSat May 24 2008, 16:36

Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita

sa kanya ang Diyos at sinabing "Pagkataposng isang taon ay bubuhos ang
ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong
gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares
na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't ibang

kapuluan." Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.

Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong
nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?" Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po
natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo ."


At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko.
Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa
Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang

30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.



Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay
nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.


Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng
mga gambling lords at katas ng weteng.


Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.


Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara
nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng
church at state .


Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon
na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas. Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil
daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan "Towards a Strong Republic". "Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko.

Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto." Ang huling wika ni Noah. Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang
wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito."
Back to top Go down
daryll
Ilaw ng Konek
 Ilaw ng Konek
daryll


Gender : Female
Date Joined : 2008-01-29
Reputation : 18

Kung Pinoy si Noah. Ano kayang mangyayari sa pinapagawa ng Diyos sa kanya???? Empty
PostSubject: Re: Kung Pinoy si Noah. Ano kayang mangyayari sa pinapagawa ng Diyos sa kanya????   Kung Pinoy si Noah. Ano kayang mangyayari sa pinapagawa ng Diyos sa kanya???? Icon_minitimeSat May 24 2008, 20:54

nyahhh mabuti naman at hindi pinoy si NOAH....dahil kung pinoy siya malamang wala na tayong lahat...maraming sagabal e!at sabi din nila kaya daw bumaha kasi inubos daw ni NOAH ang lahat ng puno para lang sa arka nyahhh nyahhh
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/shinababe
TGP
Banned sa Konek
 Banned sa Konek
TGP


Gender : Male
Date Joined : 2008-04-30
Reputation : 13

Kung Pinoy si Noah. Ano kayang mangyayari sa pinapagawa ng Diyos sa kanya???? Empty
PostSubject: Re: Kung Pinoy si Noah. Ano kayang mangyayari sa pinapagawa ng Diyos sa kanya????   Kung Pinoy si Noah. Ano kayang mangyayari sa pinapagawa ng Diyos sa kanya???? Icon_minitimeSun May 25 2008, 05:09

nyahhh pati sa biblical me interpretasyon agad lots of laugh

no wonder di makakapasok sa langit mga politiko sa langit lots of laugh
Back to top Go down
Sponsored content





Kung Pinoy si Noah. Ano kayang mangyayari sa pinapagawa ng Diyos sa kanya???? Empty
PostSubject: Re: Kung Pinoy si Noah. Ano kayang mangyayari sa pinapagawa ng Diyos sa kanya????   Kung Pinoy si Noah. Ano kayang mangyayari sa pinapagawa ng Diyos sa kanya???? Icon_minitime

Back to top Go down
 
Kung Pinoy si Noah. Ano kayang mangyayari sa pinapagawa ng Diyos sa kanya????
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Konek Pinoy: A Place where Everybody Cares! :: RECREATION :: Jokes-
Jump to: